HYOGO – Isang babae at isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Lungsod ng Akashi noong nakaraang linggo, ang kaso ay iniimbestigahan bilang murder-suicide, ayon sa mga pulis, ulat ng NHK (Oktubre 24).
Dakong 2:00 ng hapon. noong Oktubre 23, isang lalaki na kawani ng lungsod ang nag-report sa kapulisan matapos makita ang “tila isang tao na nakahandusay sa loob ng tirahan.”
Agad nagtungo ang mga opisyal sa crime scene kung saan ang 82 taong gulang na babaeng residente ay patay sa ibabaw ng isang kama sa unang palapag. Samantala, isang lalaki, pinaniniwalaang asawa niya, ang natagpuang nakabigti sa hagdanan.
Naniniwala ang mga pulis na ang mag-asawang namatay ay pumanaw maraming araw na ang naka-lipas bago ang mga ito ay natagpuan.
Ayon sa mga imbestigador, ang babae ay nakatira kasama ang kanyang asawa sa bahay, ay may sakit na dementia. Ang city staff member ay bumisita sa tirahan bilang bahagi ng isang regular na routine check.
Ang dalawang anak na lalaki ng mag-asawa ay hindi natakatanggap ng anuman tawag mula sa kanilang mga magulang “sa pagitan ng dalawa o tatlong araw at kami ay nagsimulang mag-aalala.” Pareho silang nakarating sa pinangyarihan.
Bagaman ang lalaki ay malamang na asawa ng babae, na may edad na 80, ang mga pulis ay kasalukuyang nagiimbestiga upang kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan.
Walang anumang bakas ng panloloob na nakita sa tirahan, kaya ang hinala ng kapulisan na pinatay ng lalaki ang kanyang asawa bago nito kinitil ang sariling buhay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation