Arestado ang lalaki matapos mabigong mabayaran ang hotel bill sa loob ng mahigit 10 buwan.

Nang siya ay maaresto dahil sa Suspicion of Fraud, mariing itinanggi ng suspek ang mga paratang. “ Mayaman ako, at kaya kong magbayad. Kaya't wala akong intensyon na manloko ang sinuman, " paliwanag niya sa mga imbestigador sa Myoko Police Station.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspArestado ang lalaki matapos mabigong mabayaran ang hotel bill sa loob ng mahigit 10 buwan.

NIIGATA – “Marahil ay hindi siya isang malaking tipper.”

Inaresto ng Niigata Prefectural Police ang isang 58 taong gulang na lalaki dahil sa di-umano’y hindi pagbabayad ng kanyang hotel bill sa Lungsod ng Myoko matapos ang kanyang pananatili na tumagal ng halos 10 buwan, ulat ng Nippon News Network (Oktubre 10).

Simula nung nakaraang Disyembre 20 at hanggang nitong Huwebes, si Shuichi Murata, walang trabaho , ay sinisingil ng halos 4 milyong yen na nabigo niyang bayaran sa hotel na kanyang tinutuluyan.

Nang siya ay maaresto dahil sa Suspicion of Fraud, mariing itinanggi ng suspek ang mga paratang. “ Mayaman ako, at kaya kong magbayad. Kaya’t wala akong intensyon na manloko [ang sinuman], ” paliwanag niya sa mga imbestigador sa Myoko Police Station.

Noong Huwebes, nirefer ng hotel officers si Murata sa istasyon ng pulis. At ng ito ay madakip ng mga pulis ang suspek, napagalaman na siya ay walang pera.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund