Ang Tokyo Fashion Week ay magbubukas na kasama ang mga sikat na brand sa virtual show sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus

Noong Marso, nakansela ang nasabing fashion event l sa Tokyo dahil ang Japan ay kasalukuyang nakikipaglaban sa pagdami at pagkalat ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Ang Tokyo Fashion Week, isang pangunahing event upang maipakita ang pinakabagong mga fashion trends para sa 2021 na tagsibol at tag-init, ay nagsimula noong Lunes kasama ang karamihan ng mga palabas na mapapanuod online upang makaiwas sa pagkalat ng impeksyon ng coronavirus.

Halos 70 porsyento ng humigit-kumulang na 40 mga kalahok na brands ang umiwas sa paghawak ng mga catwalk displays sa Rakuten Fashion Week Tokyo. Ang mga mahilig sa fashion ,sa halip ay mapapanuod sa pamamagitan ng streaming ng mgs video na nagtatampok ng mga pinakabagong disenyo gamit ang kanilang mga smartphone at computer sa pamamagitan ng opisyal na YouTube channel ng organizers at ng sariling mga website ng mga label.

Ang “tac: tac,” isang kaswal na label na nakabase sa Tokyo at inilungsad noong 2013 ng Japanese Designer na si Takaaki Shimase, ay naglabas ng isang video online upang pangunahan ang anim na araw na event.

Ang Fashion ay gaganapin sa mga lungsod sa buong mundo at ang isa sa Tokyo ay naging isang pagkakataon upang maitaguyod at maipagmalaki ang mga local brands ng fashion na mula Asya sa mga huling nagdaang taon.

Para sa pinakabagong mga kaganapan hanggang Sabado, lumahok din ang mga foreign brands mula sa mga bansa kabilang ang Tsina at South Korea.

Gaganapin din ang mga espesyal na programa upang maitampok ang mga koleksyon mula sa “Doublet” , Paris – based Designer na si Masayuki Ino, at “Facetasm” ni Hiromichi Ochiai.”

Ang biannual Tokyo event ay kabilang sa mga nasa Paris, Milan, London at New York na kilala sa kanilang impluwensya sa fashion world, ayon sa organisador.

Noong Marso, nakansela ang nasabing fashion event l sa Tokyo dahil ang Japan ay kasalukuyang nakikipaglaban sa pagdami at pagkalat ng coronavirus.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund