Ang Ministry of Defense ng Japan ay naghahanap ng $ 52 bilyong badyet

Kabilang sa priyoridad ay ang pag-upgrade ng cybersecurity. Kasama sa kahilingan ang 338 milyong dolyar sa mga hakbang tulad ng pagtatayo ng isang cyber defense unit sa loob ng Self- Defense Forces.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng Ministry of Defense ng Japan ay naghahanap ng $ 52 bilyong badyet

Ang Ministry of Defense ng Japan ay naghahanap ng tala na 52 bilyong dolyar na badyet para sa fiscal year simula sa Abril 2021.

Napagpasyahan ng ministro ang halaga, na may mahigit 33% kaysa kasalukuyang budget ngayong taon, ang pagpupulong ay naganap noong Miyerkules, dinaluhan ng Defense Minister na si Kishi Nobuo.

Kasama sa kahilingan sa badyet ang tungkol sa 686 milyong dolyar para sa mga space- related projects tulad ng pagdidisenyo ng isang satellite surveillance na nakatakdang ilunsad sa taong 2026 at pagsasaliksik sa satellite constellation para sa missile defense. Ang ministeryo ay binibigyang priyoridad ang pagpapalakas ng defense capabilities sa kalawakan.

Ang isa pang priyoridad ay ang pag-upgrade ng cybersecurity. Kasama sa kahilingan ang 338 milyong dolyar sa mga hakbang tulad ng pagtatayo ng isang cyber defense unit sa loob ng Self- Defense Forces.

Naghahanap din ang ministeryo ng 731 milyong dolyar para sa pagpapaunlad ng isang follow-up na modelo sa F2 fighter jet ng Air Self-Defense Force, at 256 milyong dolyar para sa mga hakbang upang labanan ang coronavirus at iba pang mga nakakahawang sakit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund