TOKYO- Dahil sa walang namamataang katapusan ng pandemyang hatid ng coronavirus, ay nagsimulang ipakilala ng Japanese conveyer belt Sushi Chain Kura Sushi Inc ang mga contactless na serbisyo , upang makakain ang mga customers ng walang interaction mula sa mga empleyado alinsunod sa mga palatuntunan na maibsan ang panganib ng pagkakahawa ng impeksyon.
Ang Kura Sushi ay naglungsad ng isang makabagong self- checkout machine na kasalukuyang ginagamit sa isa sa dalawang restawran nito sa distrito ng Ikebukuro ng Tokyo. Ang unang outlet ng kumpanya na nag-install ng touchless device na may mga sensors upang magproseso, mabasa at ma-capture ang mga pag-galaw ng daliri upang makapili ng hindi kakailanganin pang itap ang screen.
Nitong Biyernes, ipinakilala ng kumpanya ang isang pang katulad na sistema na ginamit sa isa sa kanilang outlet sa Prepektura ng Osaka.
Bago ang pandemya, kinakailangan ng mga customer na magbayad nang personal ng mga bills, bagaman ang kumpanya na nakabase sa Osaka ay nagsusulong ng automated operations, gamit ang isang computer system na binibilang ang mga hugasing plato upang makalkula kung magkano ang bayarin.
Sa kanilang pagsisimula sa Tokyo at Osaka, plano ng Kura Sushi na isagawa ang automated operations sa 460 pang mga outlet sa buong Japan at makapag lagay ng mga touchless checkout machines sa pagtatapos ng 2021, ayon sa tagapagsalita ng kumpanya.
Gayunpaman, ang mga nasabing aparato ay nangangailangan ng mga customer na magpunch ng mga code para sa mga kadahilanang panseguridad kapag nagbabayad sa pamamagitan ng credit card.
Sa panghinaharap, naglalayon ang Kura Sushi para sa isang kumpletong pagbabago ng sikat ng mga sushi eateries nito sa bansa upang ang mga customer ay hindi kinakailangan na humawak ng anumang mga screens kung saan maaaring mabuhay ang coronavirus.
Ang iba pang mga kumpanya ay nagsimula ng gumamit ng touchless technology upang mabawasan ang human contact sa gitna ng kasalukuyang pandemya.
Sinimulan ng Japan Airlines Co noong Agosto ang dalawang self-check-in machine sa Haneda Airport sa Tokyo na hindi kinakailangan ng mga pasahero ang humawak sa kahit anong screen.
Source: Japan Today
Join the Conversation