Ang mga Punong Ministro ng Japan at Vietnam ay magka-kaharap sa isang pagpupulong nitong Lunes, sa nalalapit na pagkikita ni Suga Yoshihide kay Nguyen Xuan Phuc sa tanggapan ng Punong Ministro ng Vietnam sa Hanoi.
Dumating si Suga sa Vietnam noong Linggo sa pagsisimula ng kanyang unang paglalakbay sa ibang bansa mula nang manungkulan. Nakatakda rin siyang magbigay ng talumpati tungkol sa mga patakaran ng Japan patungkol sa Association of Southeast Asian Nations. Ang Vietnam ay mamumuno sa isang summit sa ASEAN sa susunod na buwan.
Sa pakikipag-usap kay Phuc, inaasahan ni Suga na muling kumpirmahin ang kooperasyon ng Japan sa Vietnam upang lumikha ng isang malaya at bukas na rehiyon ng Indo-Pacific batay sa mga tuntunin ng batas, habang pinapaigting ng Tsina ang mga aktibidad nito sa South China Sea.
Nilalayon ni Suga na lalong pagtibayin ang pakikipagtulungan sa seguridad sa Vietnam.
Inaasahan na tatalakayin ng mga pinuno ang kasunduan upang maitaguyod ang paglipat ng mga defense equipment sa Vietnam at kooperasyong teknolohikal.
Nilalayon din ni Suga na mapalakas ang mga ugnayang pang-ekonomiya sa Vietnam. Inaasahan ng Japan na palakasin ang mga supply chain para sa mga facemask at iba pa sa gitna ng pandemya.
Inaasahan na talakayin din ng mga pinuno ang mga pananaw at opinyun sa pagpapatuloy ng mga business travel sa lalong madaling panahon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation