Ang lalaking pinaghihinalaang pumatay sa kanyang kasintahan ay nagsabi sa asawa tungkol sa krimen bago siya magpakamatay

Ayon sa mga network, humingi lang ng tawad sa kanya ang suspek. "Humihingi ako ng paumanhin," aniya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Kanako Ozawa

GUNMA – Sinabi ng isang 36 taong gulang na lalaki na diumano’y pumatay sa kanyang kasintahan sa Lungsod ng Takasaki at sinasabi ng kanyang asawa na inamin ng suspek ang krimen bago ito nagpatiwakal,iniulat ng TBS News (Okt. 21).

Dakong 7:30 ng gabi noong Linggo, pinaniniwalaang napatay ng lalaki si Kanako Osawa, 30, sa loob ng nakaparadang sasakyan halos 700 metro mula sa JR Takasaki Station.

Makalipas ang dalawa at kalahating oras, umuwi siya sa kanyang asawa at dalawang anak sa Lungsod ng Matsudo, Prepektura ng Chiba – isang distansya na humigit-kumulang na 130 kilometro mula sa Takasaki.

Ayon sa mga imbestigador, sinabi niya sa asawa, “Sinaksak ko ang isang babae, at gusto ko ring mamatay.”

Matapos makipag-usap sa kanyang asawa, umalis siya ng bahay. At nag-check in sa isang hotel sa Lungsod ng Chiba , kung saan siya ay pinaniniwalaang nagpakamatay. Ang kanyang bangkay ay natagpuan noong Lunes. Dagdag pa ng mga pulis.

“AKO’Y HUMIHINGI NG PAUMANHIN”

Si Osawa ay isang empleyado ng kumpanya at naninirahan sa Lungsod ng Niigata , Prepektura ng Niigata. Kung saan niya nakilala ang suspek.

Sa apat na okasyon noong Hunyo, dumulog siya sa Niigata-Higashi Police Station tungkol problema niya sa suspek.

Ang pinakabagong mga pahayag ng kapulisan ay sumasalungat sa sinabi ng asawa ng lalaki sa mga news network sa mga panahon ng pakikipanayam sa kanya. Ayon sa mga network, humingi lang ng tawad sa kanya ang suspek. “Humihingi ako ng paumanhin,” aniya.

Sinabi din ng pulisya na kanilang pinaniniwalaan na bumiyahe ang lalaki sakay ng Shinkansen at iba pang mga tren upang makauwi matapos ang insidente. Pinaniniwalaan din nilang ito’y nagpalit ng damit matapos gawin ang krimen.

Plano ng kapulisan ang pinplanong ipadala ang mga dokumento sa piskal sa salang pagpatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund