Ang dalawang pangunahing mga airline ng Japan ang nagsabi na maaari nilang dagdagan ang bilang ng mga flights sa pagitan ng Japan at Hawaii, ngayong nagpasya ang estado ng US Pacific na paluwagin ang mga paghihigpit sa pagpasok para sa mga bisita mula sa Japan.
Sinabi ng Japan Airlines at All Nippon Airways na susubaybayan nila ang pangangailangan ng mga pasahero at isasaalang-alang ang pagtaas ng bilang ng mga flights.
Sinuspinde ng dalawang carrier ang lahat ng kanilang flights sa pagitan ng Japan at Hawaii sa isang punto, sanhi ng coronavirus pandemic.
Ipinagpatuloy ng JAL ang mga flights noong Agosto. Ipinagpatuloy din ng ANA ang mga flights nang mas maaga sa buwang ito. Ang parehong mga kumpanya ay nagta-target ng mga corporate expat at estudyante. Nag-ooperate ang bawat airline ng dalawang round-trip flight bawat buwan. Inaasahang magpapatuloy iyon sa Nobyembre.
Ang Hawaii ay naging isang tanyag na tourist destination sa mga Hapon. May mga Japanese-affiliated na mga hotel at iba pang mga negosyo ay matatagpuan doon. Inaasahan ang pagbabalik ng mga turistang Hapon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation