SAITAMA – Mahigit sa 60 mga taong dumadalo sa ensayo para sa isang pagtatanghal sa teatro sa Lungsod ng Saitama ang nagpositibo sa coronavirus, pahayag ng gobyerno noong Sabado, ayon sa ulat ng NHK (Oktubre 10).
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, 92 miyembro ng ng Musical-za ang nag-ensayo sa isang rehearsal hall para sa musikal na “Himeyuri” noong nakaraang linggo.
Noong Oktubre 7, isang lalaking miyembro ang nagpositibo sa coronavirus. Dahilan kung bakit nahinto ang mga pageensayo.
Ang lahat ng miyembro ay sumailalim sa polymerase chain test. Inilabas ang mga resulta ng mga test sa 61 iba pa – nakatira sa Tokyo at Chiba, Prepektura ng Kanagawa at Saitama – ay nahawahan. Ang lahat ng 62 katao ay may banayad na sintomas o walang sintomas, ayon pa sa datos ng lungsod.
Ginamit ang dalawang espasyo ng hall para sa mga sesyon. Bilang pag-iingat laban sa coronavirus, ang mga kalahok ay gumagamit ng face mask at mga mouth shields ,sinusubaybayan din ang kanilang mga temperatura. Gayundin, ang mga tagaganap pinapanatili ang social distancing habang binabasa ang kanilang mga linya.
Ang mga interior, kabilang ang mga kagamitan sa audio at handrail, ay dinisinfect. Kahit na ang mga bintana ay sarado para hindi pumasok ang ano mang ingay galing sa labas , ang mga espasyo ay navi-ventilate nang isang beses bawat oras.
Tomoyo Kurosawa
Ang “Himeyuri” ay naka-iskedyul na magtanghal sa Sainokuni Saitama Arts Theater sa pagitan ng Oktubre 20 at 25. Gayunpaman, pansamantalang nakansela ang pag-papalabas, ayon sa Musical-za site.
Ang isa sa mga bida ng “Himeyuri” ay ang artista na si Tomoyo Kurosawa, ay nagpositibo din sa coronavirus , pahay ng kanyang ahensya nitong Oktubre 9.
Source: Tokyo Reporter
Join the Conversation