3 katao ang nasaktan sa gitnang Japan dahil sa pagatake ng mga oso

Ang manggagawa ay nagtamo ng mga gasgas sa leeg at kanang balikat, ngunit hindi nagtamo ng mga malalang pinsala.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp3 katao ang nasaktan sa gitnang Japan dahil sa pagatake ng mga oso

FUKUI – Sugatan ang tatlong katao, sa pag-atake ng dalawang oso sa isang construction site na linya ng Shinkansen Bullet Train sa gitnang Japan at Prepektura ng Fukui nitong Oktubre 23, ipinahayag ng mga awtoridad.

Ayon sa lungsod ng Tsuruga at West Japan Railway Co. (JR West), isang 56 taong gulang na empleyado ng JR West na nagis-stretching bago magtrabaho sa bakuran ng riles na may 1.2 na kilometro timog ng JR Tsuruga Station ay binugbog ng halos 1- isang metro haba ng adult na lalaking Asyano Black Bear dakong 8: 30 ng umaga. Ang manggagawa ay nagtamo ng mga gasgas sa leeg at kanang balikat, ngunit hindi nagtamo ng mga malalang pinsala.

Mga 10 minuto pagkatapos ng unang pag-atake, isang 49 taong gulang na cobtract worker, sa construction site ng Hokuriku Shinkansen Bullet Train line , ilang daang metro sa silangan ng bakuran ng riles, ang sinalakay ng parehong oso, at iniwan ang biktima na putol ang kaliwang binti nito at iba pang malubhang pinsala. Ang oso ay binaril at napatay ng isang lokal na koponan sa pangangaso dakong alas-11 ng umaga sa lugar ng konstruksyon.

Samantala, isa pang oso ay sumalakay sa isang babae na nasa kanyang 70s sa prefectural city ng Ono dakong 1:00 ng hapon. Sinasabing diumano’y kinagat siya ng oso sa likod ng kanyang ulo at kaliwang braso habang siya ay pasakay na sa kanyang sasakyan bago ito tuluyang lumisan.
Ang mga awtoridad kabilang ang Ono Municipal Government ay nananawagan para sa mga tao na maging alerto habang ang hayop ay nananatiling malaya.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund