23 anyos na lalaki arestado sa pambubugbog ng 3 taong gulang na bata

Sinabi ng mga doktor na ang batang lalaki kalaunan ay namatay dahil sa acute subdural hematoma.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren.

FUKUOKA – Inaresto ng mga pulis ng Nakama, Prepektura ng Fukuoka , ang isang 23 taong gulang na lalaki dahil sa salang pang-aabuso at pang-mamalupit sa kanyang tatlong taong gulang na anak na lalaki noong Agosto.

Si Ryoga Suemasu, isang construction worker, ay naaresto noong una dahil sa hinala na sinasaktan ang bata na si Manato, sa pamamagitan ng paghampas sa ulo ng maraming beses dakong 10:30 ng gabi, noong Agosto 15. Kungsaan nawalan ng malay si Manato at kinaumagahan napansin ng kanyang 22 taong gulang na ina na si Ayumi na may mali sa kanya. Agad isinugod niya at ni Suemasu ang bata sa isang ospital kung saan kinalaunan, ini-report ng mga doktor sa kapulisan ang tungkol sa isang kaso ng posibleng kaso ng child abuse.

Sinabi ng mga doktor na ang batang lalaki kalaunan ay namatay dahil sa acute subdural hematoma.

Binago ng mga imbestigador ang kaso na hinain laban kay Suematsu mula sa assault patungo sa murder. Ang ina ni Manato na si Ayumi ay naaresto din sa hinala na pang-aabuso ang kanyang anak. Sinabi ng mga pulis na kapwa mariing itinanggi ng mag-asawa ang mga paratang.

Nang una siyang naaresto, inamin ni Suematsu na sinusuntok niya ang bata at kanyang nabanggit na uminit ang kanyang ulo dahil ayaw pa matulog ng bata kahit na oras ng pagtulog niya ngunit mariing itinanggi ang anumang balak na pagpatay sa bata.

Ayon pa sa mga pulis may natagpuan pa ang mga doktor ang mga naghilom na pasa sa katawan ng bata at kanilang pinaniniwalaan na maaaring siya ay inabuso sa marami pang mga pagkakataon.

Si Suematsu ay lumipat sa tirahan ng bata at ng kanyang ina noong Mayo.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund