Noong ika-20 ng Oktubre, hinuli ng Aichi Prefectural Police ng Handa ang dalawang Pilipino sa kasong ilegal na pangunguha ng mahigit 95 pirasong alimango sa Mihama City Aichi.
Nilabag nito ang mga patakaran sa pangingisda ng prefecture kung saan may kailangang sundin na permit at rehistro at paggamit ng tamag kagamitan sa pangingisda sa lugar isa na dito ang bawal na paggamit ng flashlight at net habang humuhuli ng mga alimango. Mayroong tamaang pamamaraan sa mga mangingisda lalo na sa mga hindi rehistrado sa fisherman’s association.
Ang mga rehistradong mangingisda sa lugar na iyon na may mga naka set up na traps para sa mga crabs ay nagtataka na bakit may nagsira ng kanilang mga na set up na trap kaya’t nag patrol sila ng kagabihan at doon nila nakita sa akto ang isang lalaking Pilipino (37 years old) taga Mizuho City, Gifu Prefecture at isang 58 years old na taga Kani City, Gifu Prefecture.
Noong kinumpronta nila ang mga ito at tinawagan ng pulis, ay nakita nila ang isang styrofoam box na naglalaman ng 95 pirasong Watari crab.
Aminado ang dalawa na kinuha nila ang mga crabs, ang kanilang dahilan ayon sa kanila “Gusto namin ipakain sa pamilya at mga kamag anak namin,” dagdag pa nila, “Hindi namin alam na labag sa batas ang paggamit ng mga ilaw at net”
Sila daw ay nawalan ng trabaho dahil aa Covid-19 kayat naisip din nila na ibenta ito sa mga kakilala.
Ayon sa istasyon, ang mga miyembro ng kooperatiba ng mga mangingisda sa Mihama Town ay natagpuan ang dalawang lalaki na umaakyat sa tabing dagat habang nasa isang poaching patrol, at natuklasan ang krimen. Sinasabi nila na ng ang presyo sa merkado ng Watari crab na kanilang tinangay ay nagkakahalaga ng 5 lapad.
FNN News
Join the Conversation