Weather Agency: Ang bagyong Haishen ay mas lalong lumakas habang papalapit ang landfall sa Timog-Kanlurang bahagi ng Japan.

Sa prediksyun ng ahensya ang Bagyong Haisen ay uungos pa-hilaga patungo sa may halos 600 kilometrong layo sa timog-silangan ng Minami Daito Island.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspWeather Agency: Ang bagyong Haishen ay mas lalong lumakas habang papalapit ang landfall sa Timog-Kanlurang bahagi ng Japan.

FUKUOKA – Ang Weather Agency ng Japan ay patuloy na nagbibigay babala sa banta ng malakas at marahas na hangin , at pag-taas ng mga alon, sa pagdating ng bagyong Haishen na ika-sampu’ng bagyo sa taong ito, at kasalukuyang lalong lumalakas habang nilalandas ang timog-kanlurang bahagi ng bansa.

Ayon sa Meteorological Agency, Ang bagyong Haishen ay nasa timog ng Japanese Archipelago , bandang 9:00 ng umaga noong Setyembre 3, na patuloy sa pag-galaw pa-kanluran at may bilis na 20 km bawat oras. Gayunpaman, inaasahan na ang bagyo ay papaling pa-hilaga at daraan malapit sa Daito Islands sa pinaka-timog bahagi ng Prepektura ng Okinawa sa Setyembre 5-6.

Ang bagyong si Haishen ay may central air pressure na 970 hectopascals at kasalukuyan nagpapatuloy ang pagpapalakas na may windspeeds na hanggang 126 kilometro bawat oras na malapit sa gitna at nagbababay sa bilis na 180 kph ng 9:00 ng umaga, nitong Septyembre 3. Ulat ng JMA. May sustained windspeed din na hindi bababa sa 90kph sa loob ng 110-kilometrong radius na mata ng bagyo.

Sa prediksyun ng ahensya ang Bagyong Haisen ay uungos pa-hilaga patungo sa may halos 600 kilometrong layo sa timog-silangan ng Minami Daito Island bandang 9:00 sa Setyembre 4, kung saan bababa sa 940 hectopascals ang pressure nito. Ang bagyo ay inaasahang magpapatuloy sa paglalakbay pa-hilaga, papalapit sa Isla ng Amami sa pagitan ng Okinawa at timog-kanlurang Isla ng Kyushu bamdang 9:00 ng umaga sa Setyembre 6. At sa puntong iyon inaaasahang patuloy na bababa sa 915 hectopascals na may kasamang hangin na may lakas na 288kph.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund