Vietnam Airlines itutuloy ang mga flights sa Japan mula sa Hanoi at Saigon sa Setyembre 18

Ang operasyon ng Vietnam Airlines sa mga flights ay gagamitan ng Boeing 787 na mga eroplano.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspVietnam Airlines itutuloy ang mga flights sa Japan mula sa Hanoi at Saigon sa Setyembre 18

HANOI – Kinumpirma ng Vietnam Airlines matutuloy ang mga one-way flights sa pagitan ng Vietnam at Japan mula Setyembre 18.

Ang mga byahe ay para sa tumataas demand ng mga pasahero na nagnanais na magtrabaho, mag-aral at manatili sa Japan.

Ang mga byahe mula sa Hanoi patungong Narita Airport (Tokyo) ay aalis sa 23:45 sa Setyembre 18, 25 at 30. Ang mga flights mula sa Ho Chi Minh (Saigon) patungong Narita ay aalis ng 00:01 sa Setyembre 30.

Ang operasyon ng Vietnam Airlines sa mga flights ay gagamitan ng Boeing 787 na mga eroplano.

Ang mga empleyado ay sasailalim sa mga health checks at mananatili sa quarantine sa pagkumpleto ng flight ayon sa kasalukuyang mga regulasyon. Ang lahat ng mga lugar ng sasakyang panghimpapawid na pinamamahalaan para sa mga flight na ito (ang mga crew compartments, passenger cabins, at mga cargo holds atbp.) ay ganap na idi-disinfect na naaayon sa mga internasyunal na pamantayan pangkalusugan.

Plano rin ng airline na ipagpatuloy ang pagbabalik ng mga flights mula Japan hanggang Vietnam, habang hinihintay ang akwal na pagbabago sa estado ng pandemya at ang pag-apruba mula sa mga nauugnay na awtoridad. Bilang karagdagan, ang Vietnam Airlines ay nagpa-plano ding ipagpatuloy ang mga flights sa Korea, China, Taiwan (China), Laos, at Cambodia sa hinaharap.

Source and Japan: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund