TOKYO – Ang bangkay ng isang babaeng ang natagpuang patay sa saksak sa loob ng kanyang tirahan sa Nakano Ward noong Linggo, ang biktima ay nagtamo ng higit sa 20 mga sugat, inihayag ng pulisya, sa Fuji News Network (Setyembre 1).
Batay sa salaysay ng mga imbestigador, ang katawan ni Asami Noguchi, 38, ay nagtamo ng 23 mga sugat sa ulo, mukha at iba pang bahagi ng kaniyang katawan. Ang fatal blow ay ang pananasak sa bandang likod na tumusok sa kaniyang baga na siyang ikinamatay ng biktima.
Dakong 10:00 ng umaga noong Linggo, inalerto ng nakababatang kapatid ni Noguchi ang kapulisan matapos na matagpuan ang biktima na nakahandusay sa kanyang tirahan, kung saan siya naninirahang nang mag-isa. Di naglaon ay nakumpirmang patay na ang biktima sa isang ospital, ayon sa pulisya.
Ang hinihinalang salarin sa karumal-dumal na krimen ay ang 34 anyos na dating kasintahan.
Batay sa nakuhang cctv footage ng pulisya, nakita ang kanyang pagbisita sa tirahan ng biktima noong Linggo, at umalis bandang 4:00 ng madaling araw.
Pinaniniwalaan ng kapulisan na gumamit siya ng hagdan paakyat sa balkonahe, upang makapasok sa pangalawang palapag ng apartment.
Dakong 6:00 ng umaga ng araw ding iyon, natagpuan ng mga pulis ang bangkay ng lalaki ng may halos 2 kilometro ang layo mula sa tirahan ni Noguchi. Pinaniniwalaan din ng kapulisan na ito ay tumalon mula sa gusali.
Nakita din ang isang patalim sa loob ng nirentahang sasakyan ng lalaki.
Si Noguchi ay nagsimulang makipag-date sa dating kasintahan habang sila ay magkasama sa trabaho noong 2016. At nuong Agosto ng nakaraang taon, siya ay nahuli sa salang assault at inflicting injury dahil sa pananampal nito sa kanya, na syang dahilan ng kanyang pakikipaghiwalay.
Naniniwala ang mga imbestigador na ang dating nobyo ang sumaksak kay Noguchi at pagkatapos kinitil ang kanyang buhay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation