Suspendido pa rin ang paghahanap sa mga tripulanteng nawawala sa tumaob na barko sa Japan

Sa ngayon, dalawang sa mga tauhan ay nailigtas, habang ang isa pa ay namatay matapos nahanap na walang malay noong Biyernes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO -Sinabi ng Coast Guard ng Japan noong Lunes na ang misyon para sa paghahanap at pagsagip para sa 40 nawawalang tripulante mula sa lumubog na barko ng baka sa East China Sea ay nananatiling suspendido at walang itinakdang oras upang ipagpatuloy ang paghahanap.

Sa ngayon, dalawang sa mga tauhan ay nailigtas, habang ang isa pa ay namatay matapos nahanap na walang malay noong Biyernes. Ang barkong Gulf Livestock 1, ay nagpadala ng distress call mula sa kanlura ng isla ng Amami Oshima sa Timog-Kanluran ng Japan noong Miyerkules habang kasagsagan ng Bagyong Maysak ang lugar kung saan malakas ang hangin at mataas ang alon sa dagat.

Ang search and rescue ay nasuspinde dahil sa masamang panahon noong Sabado, habang ang Bagyong Haishen ay patungo sa timog-kanluran ng Japan.

Ang barko ay may sakay na 43 tripulante at halos 6,000 na baka.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund