Sinisisi ang pandemyang hatid ng Coronavirus sa 50,000 mawalan ng trabaho sa Japan

Napag-alaman nito na 50,326 katao ang walang trabaho sa pagitan ng pagtatapos ng Enero hanggang Agosto 31.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSinisisi ang pandemyang hatid ng Coronavirus sa 50,000 mawalan ng trabaho sa Japan

Ipinahayag ng Labor Ministry ng Japan na higit sa 50,000 sa bansa ang nawalan o malapit nang mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus.

Sinusuri ng ministry ang mga kaso kung saan ang mga employer na nakakaranas ng kawalan o pagbaba ng kita na nagreresulta sa pag- sisante sa kanilang mga empleyado o pagtanggi sa pagre- new ng kanilang mga employment contract

Napag-alaman nito na 50,326 katao ang walang trabaho sa pagitan ng pagtatapos ng Enero hanggang Agosto 31.

Pinaniniwalaan din ng ministry na ang aktwal na pigura ay mas mataas keysa sa naiulat, sa kadahilanang ang mga ito ay tala ng mga kaso na napag-alaman ng Regional Labor Bureaus at Job Placement Offices.

Ang bilang ng kawalan ng trabaho na nauugnay sa coronavirus ay nangunguna sa 10,000 noong Mayo 22. Lumampas ito sa 30,000 noong Hulyo 1 at 40,000 noong Hulyo 29.

Hinihimok ng ministry ang mga kumpanya at negosyante na panatilihin ang mga trabaho sa pamamagitan ng paggamit ng mga programang pang subsidiya ng gobyerno at nagpa-plano ding makatulong ito sa mga nawalan ng trabaho na makahanap ng pagkakakitaan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund