Ang mga astronaut na nananatili sa International Space Station ay nakatakda tikman ang de-latang mackerel na ginawa ng mga japanese high school students.
Ang Wakasa High School sa Lungsod ng Obama, sa Prepektura ng Fukui, ay sumusubok na makabuo ng space food sa loob ng 14 taon.
Ang mga naka-kahong de lata ng soy sauce flavored na mackarel ay na-certify bilang space food ng Japanese Space Agency JAXA noong 2018, matapos maipasa at ma-clear ang mga test sa resistance to gravity at lift off at pagbabago ng pressure sa kalawakan.
Sinabi ng JAXA na ang mga de lata ay maihahatid sa istasyon matapos ang isang pribadong sektor ng spacecraft ng Estados Unidos na magdadala ng Japanese Astronaut na si Noguchi Soichi at iba pang mga crewmembers na pahihimpapawid sa Oktubre 31 para sa anim na buwan na pananatili doon.
Si Kosaka Yasuyuki, isang marine scientist na guro sa paaralan, ay nagpahayag na labis niyang kasiyahan na ang inaasahan ng mga mag-aaral at mga nagtapos ay natupad at maipapadala na sa kalawakan. Inaasahan niya na makita ang mga astronaut na natatamasa ang lasa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation