Isang malakas na bagyo ang inaasahang palapit sa prepektura ng Timog Japan sa Okinawa sa Martes.
Pinangalanan ng weather system ang bagyo na Maysak na inaasahang bubuo ng pagbugso ng hangin na may lakas na higit sa 250 kilometro bawat oras.
Ang bagyo ay naglandfall sa Okinawa noong Lunes ng hapon, na nagdala ng malakas na hangin at pag-ulan sa buong rehiyon.
Sinabi ng isang opisyal ng Meteorological Agency, ” Inaasahang makakaranas ng malakas at marahas na hangin sa loob ng mahabang panahon, kasama ang Okinawa na inaasahang masasalanta ng bagyo sa loob ng 24 oras.”
Ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay naglabas na ng mga babala ng paglilikas sa mga lokal sa ilang mga lugar sa mga Lungsod ng Naha at Okinawa noong Lunes.
Mahigit sa 250 mga flight papunta at mula sa prepektura ang nakansela sa araw na iyon. Sa Naha Airport, ang mga terminal ay mananatiling sarado mula 6 ng gabi, Lunes hanggang tanghali hanggang Martes ng tanghali.
Bagaman maraming kaso ng coronavirus ang kumpirmado, hinihimok ng gobernador ng prepektura ang mga tao na huwag mag-atubiling makisilong kung kinakailangan.
Sinabi ni Okinawa Governor Tamaki Denny, “Mangyaring sumilong hindi lamang sa mga municipal shelters kundi pati na rin sa mga tahanan ng mga kamag-anak at kakilala kung magbibigay ito ng kaligtasan.”
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation