Nilisan ng bagyong Haishen ang Timog-Kanluran ng Japan

Ang bagyo ay nagdadala ng malakas na hangin sa Kyushu.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNilisan ng bagyong Haishen ang Timog-Kanluran ng Japan

Isang malaking bagyo ang gumagalaw patungo sa hilaga, at sinasakopang pangunahing isla sa Katimugan ng Kyushu at mga bahagi ng rehiyon ng Chugoku. Nagbabala ang mga opisyal sa malakas na ulan, malakas na hangin, mas mataas na alon sa karagatan.

Sinabi ng mga Weather Officials na alas-sais ng umaga noong Lunes, ang Bagyong Haishen ay nasa dagat 40 kilometro sa bandang timog-kanluran sa Lungsod ng Tsushima, Prepektura ng Nagasaki . Sinabi nila na gumagalaw ito sa hilaga sa 40 kilometro bawat oras.

Ang Haishen ay may central atmospheric pressure na 945 hectopascals. Ang bagyo ay may maximum na hangin na 162 kilometro bawat oras papalapit sa gitna nito, na may pagbugso ng hanggang 216 kilometro bawat oras.

Ang bagyo ay nagdadala ng malakas na hangin sa Kyushu. Ang pagbugso ng higit sa 210 kilometro bawat oras ay nasukat dakong alas-2 ng madaling araw noong Lunes sa Nomozaki, Nagasaki City. Iyon ang pinakamalakas na naitala na hangin doon.

Sa hilagang Kyushu, inaasahan ang malalakas na hangin na kayang magpataob ng truck.

Isang babala ng mudslide ay inisyu para sa mga tao sa bahagi ng mga Prepektura ng Nagasaki, Kumamoto at Tokushima.

Sa ngayon, hindi bababa sa dalawampu’t apat na katao ang sugatan sa Kyushu.

Ang lahat ng pitong prepektura sa isla ng Kyushu ay naglabas ng panukala ng paglikas sa mga lokal na residente noong Linggo. Ang mga panukala ay nakaapekto sa higit sa 1.8 milyong mga tao.

Sinabi ng train operator ng Kyushu Shinkansen na lahat ng mga tren ay makakansela sa Lunes. Ang mga Tren ng Sanyo Shinkansensa na bumabyahe sa pagitan ng Hakata at Hiroshima ay makakansela rin.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund