Ang ilang mga eksperto sa Japan kasama ng ilan ding negosyante ay nananawagan at nage-engganyo sa mga tao na mamuhunan para sa mga proyekto laban sa climate change.
Inatasan ang dalawang panel sa ilalim ng Environment at Industry, na simulan ang pasisiyasat sa mga paraan at pasisikap labanan ang climate change.
Ang tinutukoy nila ang isang forecast na ang global carbon emox emmissions sa 2020 ay bababa ng 8% mula noong nakaraang taon. At ito ay dahil sa pag-tigil ng mga aktibidad ng ekonomiya sa gitna ng pagkalat ng pandemyang sanhi ng coronavirus.
Kinumpirma ng mga miyembro ang antas ng pagbaba na ito na kinakailangan bawat taon upang makamit ang layunin ng UN na mapanatili ang pagtaas ng temperatura sa buong mundo sa 1.5 Degree Celsius mula sa mga antas bago ang Industrial Revolution.
Maraming miyembro ang nagsabing ang pamumuhunan na may kaugnayan sa pag-reduce sa global warming ay magiging napakahalaga upang makabangon ang ekonomiya.
Plano ng Japan na magsagawa ng isang makabagong patakaran sa climate change policy, bago ang susunod na kumperensya ng UN patungkol sa krisis sa darating na Nobyembre ng susunod na taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation