TOKYO (Kyodo) – Si Yoshihide Suga ay nagsimula ng magtrabaho bilang bagong Punong Ministro ng Japan noong Huwebes, isang araw matapos opisyal na gampanan ang pamumuno at ilunsad ang kanyang Gabinete.
“Nais kong matugunan at bigyang katuparan ang bawat inaasahan ng publiko, sa pamamagitan ng paglikha ng isang Gabinete na magsisilbi sa mga tao at nakakapagbigay ng resulta,” pahayag ni Suga sa mga reporter sa tanggapan ng Punong Ministro.
Siya din daw ay magtatalaga ng Senior Vice Minister at Parliamentary Vice Minister sa Biyernes.
Sa kanyang unang press conference bilang premier noong Miyerkules, nangako si Suga na bubuhayin ang ekonomiya at kokontrolin ang coronavirus. Dagdag pa niya na kanyang isusulong ang mga patakaran na naumpisahang ilatag ng kanyang hinalinhan na si Shinzo Abe, na kamakailan nagbitiw sa pwesto dahil sa kanyang kalusugan.
Si Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato, na nagsilbi bilang Health Minister sa ilalim ni Abe, ay nagsabi na ang gobyerno ay ganap na ipagpapatuloy ang pag-tugon laban sa pandemyang dala ng coronavirus na napagpasyahan sa ilalim ng nakaraang administrasyon, mula sa pag-secure ng mga bakuna para sa lahat ng tao at upang mas mapalawak ang mga tests.
“Ang mahalaga ay maiwasan ang pag-kalat ng impeksyon at ibalik sa normal at muling buhayin ang mga gawaing pang-ekonomiya at panlipunan ,” pahayag ng bagong tagapagsalita ng gobyerno.
Sa kalaunan , sinabi din ni Kato na tatalakayin ng gobyerno at administrasyon ni Suga ang mga isyu tulad ng mababang birthrate at pagtanda ng populasyon pati na rin ang paglulunsad ng desentralisasyon, sa pamamagitan ng pag-aalis ng sectionalism at pag-check sa mga pansamantalang interes.
Sa paksa pang-demokratiko, inulit ni Kato ang pangako ni Suga na maitaguyod ang malapit na ugnayan sa mga kalapit-bansa ng Japan kasama na ang Russia at lutasin ang mga isyu ng pagdukot sa mga Hapon sa North Korea noong dekada 70 at 80, at tuluyang mapauwi ang mga biktima sa pamamagitan ng international cooperation.
Pinanatili ni Suga ang walong ministro, kabilang ang Finance Minister at Deputy Prime Minister Taro Aso, Foreign Minister Toshimitsu Motegi at Economic Revitalization Minister na si Yasutoshi Nishimura, na sumasalamin sa kanyang pangako ng continuity kay Abe.
Kabilang sa limang bagong mukha na kasapi sa Gabinete ay ang Minister of Defense na si Nobuo Kishi, ang nakababatang kapatid ni Abe. Ang natitirang pitong miyembro ay maaaring ilipat mula sa iba pang mga posisyon o ibalik sa mga dati nilang hinawakang posisyon.
Ang mga hinirang ay ikinalat sa pitong pangunahing paksyon ng Liberal Democratic Party, kasama na ang limang nagdala kay Suga sa napakalaking tagumpay laban sa dalawang karibal sa halalan sa pagkapangulo ng partido noong Lunes.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation