NAGANO – Hinahabol ng Nagano Prefectural Police ang isang lalaki na namaril i sa labas ng isang ramen noodle shop sa nayon ng Miyada noong Lunes, iniulat ng TBS News (Setyembre 28).
Dakong 5:00 ng hapon, pinaputukan ng baril ang isang lalaki habang siya ay nasa kotse na nakaparada sa isang parking lot.
“Nabaril ako,” sinabi ng biktima sa emergency service gamit ang kanyang telepono. Pagdating ng mga emergency personnel, ang biktima ay nakahandusay sa labas ng sasakyan na may sugat sa tiyan.
Agad siyang isinugod sa isang ospital sa may malay-tao. Gayunpaman, ang kanyang kondisyon ay itinuturing na seryoso, ayon pa sa kapulisan.
Dagdag pa ng kapulisan kapwa ang gunman at ang biktima ay miyembro ng mga criminal syndicates.
Kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan ang gunman sa kasong attempted murder.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation