Sinabi ng tanggapan ng pamahalaan ng South Korea na si Pangulong Moon Jae-in ay nagpadala ng mensahe ng pagbati sa bagong punong ministro ng Japan na si Suga Yoshihide.
Sinabi ng tagapagsalita ng tanggapan ni Moon na sa mensahe ay iminungkahi ng pangulo na magtulungan upang mapaunlad ang relasyon sa dalawang bansa.
Sinabi ng tagapagsalita na laging handa ang pangulo na magsagawa ng dayalogo at makipag-usap sa gobyerno ng Japan. Idinagdag pa ng opisyal na inaasahan ni Moon ang positibong tugon ng Japan.
Sinabi ng tagapagsalita na si Moon ay nagpadala din ng isang hiwalay na mensahe sa dating Prime Minister na ai Abe Shinzo, na bumaba na nagbitaw sa pwesto sanhi ng kanyang lumalalang karamdaman. Sinabi pa ng opisyal na pinuri ni Moon ang mga pagsisikap ni Abe sa kanyang panahon sa opisina at hiniling niyang mabuti siya para sa paggaling sa magandang kalusugan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation