Nagbabala ang mga Japanese expats na huwag uminom ng moonshine

Nagpahayag ang Japanese Embassy sa Indonesia na namatay ang isang Hapones at ang iba ay nagpakita ng mga simptomas ng pagkalason matapos uminom ng moonshine sa bansa. Sinabi ng mga kawani ng Embahada na ang mga ulat ay nagsimulang dumagsa sa buwang ito. Natagpuan nila ang maraming mga Japanese national na naninirahan sa at paligid ng kabisera ng Jakarta ang nagsusuka at dumadanas ng iba pang mga sintomas ng pagkalason matapos na uminom ng iligal na alkohol. Ang isang lalaki na nasa 40 na, ay kumpirmadong namatay matapos uminom ng nasabing alak. Ang mga biktima ay inaakalang nakakuha ng iligal na alak sa mga plastik na bote mula sa mga kakilala. Ang mga opisyal ng embahada ay naglabas ng mga larawan ng kung ano ang hitsura ng mga ipinagbabawal na botelya ng inumin at binabalaan nila ang mga Japanese expats na huwag nang uminom ng moonshine. Mahigit sa 80 porsyento...

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNagbabala ang mga Japanese expats na huwag uminom ng moonshine

Nagpahayag ang Japanese Embassy sa Indonesia na namatay ang isang Hapones at ang iba ay nagpakita ng mga simptomas ng pagkalason matapos uminom ng moonshine sa bansa.

Sinabi ng mga kawani ng Embahada na ang mga ulat ay nagsimulang dumagsa sa buwang ito. Natagpuan nila ang maraming mga Japanese national na naninirahan sa at paligid ng kabisera ng Jakarta ang nagsusuka at dumadanas ng iba pang mga sintomas ng pagkalason matapos na uminom ng iligal na alkohol. Ang isang lalaki na nasa 40 na, ay kumpirmadong namatay matapos uminom ng nasabing alak.

Ang mga biktima ay inaakalang nakakuha ng iligal na alak sa mga plastik na bote mula sa mga kakilala.

Ang mga opisyal ng embahada ay naglabas ng mga larawan ng kung ano ang hitsura ng mga ipinagbabawal na botelya ng inumin at binabalaan nila ang mga Japanese expats na huwag nang uminom ng moonshine.

Mahigit sa 80 porsyento ng populasyon ng Indonesia ay Muslim. Ipinagbabawal ng relihiyon ang pag-inom ng alak. Ngunit mabibili ang mga ito sa mga supermarket at restawran sa bansa.

Ang pagkonsumo ng mumurahing moonshine ng mga lokal ay naging isang malaking problema sa Indonesia. Noong 2018, higit sa 50 katao ang namatay dahil sa pag-inom ng bootleg alcohol.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund