Mula nang lumaganap ang coronavirus, dumarami ang mga ulat ng mga dayuhan na naninirahan sa mga lugar na maraming international community sa Japan ang napapailalim sa diskriminasyon.
“Shitty foreigner, corona.” Ito ang nasabi sa isang 22-taong-gulang na estudyanteng Indiano sa Ritsumeikan Asia Pacific University habang naglalakad sa paligid ng JR Beppu Station, Oita Prefecture noong kalagitnaan ng Agosto.
Ang komento ay nagmula sa tatlong lalaking Hapon na nasa edad 30.
Bagaman ang unibersidad ng mag-aaral, na matatagpuan din sa Beppu, timog-kanlurang Japan, ay naiulat mula Agosto 8 na isang dosenang mga estudyanteng foreigners ang nagpositibo sa virus, hindi siya isa sa kanila. Tinangka niyang sumagot, ngunit sinabi sa kanya ng mga kalalakihan, “Nagsocial distancing kami, wag ka lumapit,” kaya’t sa huli wala na din siyang nagawa.
Isa lang ito sa napakaraming natanggap ng gobyerno na hinaing galing sa mga foreigners tungkol sa diskriminasyon na nararanasan ngayong pandemic.
Bilang tugon, agad nagsimula na mamahagi ng halos 1,500 na mga abiso sa mga operador ng negosyo na nagpapaalala sa kanila na “ang laban ay laban sa virus, hindi sa mga tao.”
Ang ilang mga negosyo sa Chinatown ng Yokohama na malapit sa Tokyo ay nag-ulat din ng pagtanggap ng hate mail noong Marso na sinisisi ang mga chinese sa nasabing coronavirus, kasama ang mga mensahe tulad ng “Get the hell out of Japan.”
Ayon sa isang survey noong Mayo ng halos 400 na mga dayuhan na naninirahan sa Fukuoka Prefecture ng buwanang multilingual magazine na Fukuoka Now, humigit-kumulang 20 porsyento ng mga respondente ang nagsabing nakaranas sila ng isang uri ng diskriminasyon na may kaugnay sa coronavirus.
© KYODO
Join the Conversation