Malakas na hangin at ulan nag-sanhi ng malawakang pinsala

Humigit-kumulang 870,000 katao sa anim na prepektura ang nasa ilalim ng mga panukalang paglikas mula 2:30 ng hapon ng Lunes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMalakas na hangin at ulan nag-sanhi ng malawakang pinsala

Ang bagyong Haishen ay dumaan sa timog-kanlurang isla ng Kyushu, ngunit ang mga awtoridad sa Japan ay patuloy nananawagan sa mga tao na manatiling alerto.

Ang bagyo ay nagdala ng malakas na hangin at malakas na ulan sa mga rehiyon ng Kyushu at Chugoku ng Japan. Nagdulot din ito ng matinding ulan sa maraming bahagi ng bansa. Nagbabala ang mga awtoridad sa pagguho ng lupa, paragasa ng tubig sa mga ilog at pagbaha sa mga mabababang lugar.

Hindi bababa sa 46 katao ang sugatan sa Kyushu. Sinabi ng mga awtoridad sa Prepektura ng Miyazaki na may nawawalang apat na katao matapos ang gumuho sa ilang mga gusali sa isang kalapit na ilog dahil sa landslide.

Ang ilang mga kabukiran ang napinsala. Sa Prepektura ng Nagasaki , ang mga greenhouse ay nasalanta ng malakas na hangin. Kung saan sinabi ng mga magsasaka na nasira ang kanilang mga pananim. Ang bagyo ay nag-iwan ng higit sa 300,000 na kabahayan nang walang kuryente, lalo na sa Kyushu. Ipinahayag naman ng utilities na ang trabaho upang maibalik ang kuryente ay magsisimula sa lalong madaling panahon.

Humigit-kumulang 870,000 katao sa anim na prepektura ang nasa ilalim ng mga panukalang paglikas mula 2:30 ng hapon ng Lunes.

Ang bagyo ay siyang naging dahilan rin sa pagkansela ng mga paglalakbay. Mga 580 domestic flight ang nakansela noong Lunes. Kasama rito ang mga flight papunta at mula sa mga rehiyon ng Shikoku at Chugoku, pati na rin ang Kyushu.

Nakansela rin ang lahat ng mga biyahe ng tren ng Kyushu Shinkansen, kasama ang lahat ng mga bullet train ng Sanyo Shinkansen sa pagitan ng Hakata at Hiroshima.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund