Higit sa 25,000 katao sa timog-kanluran ng Japan ang iniutos na lumikas kaagad habang maaga, dahil sa nagbabantang Bagyong Haishen na tatama sa rehiyon.
11:30 ng umaga noong Linggo, ang utos ng paglikas ay inisyu sa halos 19,800 katao sa Lungsod ng Tarumizu, Mishima Village at Lungsod ng Nishinoomote sa Prepektura ng Kagoshima.
Ang nasabing panukala ay inilabas din sa 3,600 katao sa Kuma Town at Tsunagi Town sa Prepektura ng Kumamoto , at higit sa 1,800 sa Minami-Daito at Kita-Daito na isang nayon sa Prepektura ng Okinawa.
Ang mga advisories upang lumikas ay agarang inisyu sa 1.27 milyong katao mula sa 600,000 kabahayan sa 57 munisipalidad.
Binubuo ang mga ito ng limang munisipalidad sa Prepektura ng Nagasaki, siyam sa Prepektura ng Kumamoto, labing-isang sa Prepektura ng Miyazaki, at 32 sa Prepektura ng Kagoshima.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation