TOKYO
Ang mga tawag sa mobile phone na natanggap sa Japan mula sa mga pekeng telephone numbers ay dumami noong Setyembre sa isang pinaghihinalaang scam na nagta-target sa mga Chinese nationals na nakatira sa Japan, babala ng mga eksperto noong Martes.
Ang walang tigil na mga tawag ay nagtaa-target sa mga residenteng Chinese sa Japan, ngunit maraming Japanese din ang nakatanggap ng ganitong tawag, sinabi ng mga eksperto sa security technology firm na Tobila Systems, na hinihimok ang mga tao na huwag sagutin o mag call back sa mga kaduda-dudang numero.
Ang mga tawag mula sa mga numero na nagsisimula sa mga non-existent na country number code tulad ng “+83” at “+422” ay unang napansin noong Agosto at higit sa 5,000 ang naitala sa isang araw noong Setyembre kasama ng mga numero ng spam phone na nadiskubre ng Tobila system sa pakikipagtulungan sa pulisya sa buong Japan , sabi nila.
Isang babaeng Chinese na nasa 40s ang edad sa Akita prefecture, hilagang-silangan ng Japan, ay pinilit na magbayad ng 4.11 milyong yen ($ 39,000) sa isang bank account matapos sagutin ang isang tawag mula sa isang numero na may pekeng country code na “+885” noong Setyembre 10.
Isang lalaki at babae na nagpanggap na taga embassy ng China at nagbanta sa biktima at inakusahan siya ng iligal na pagpapadala ng mga face masks sa Wuhan, China.
Karamihan sa mga tawag ay pinaniniwalaan na awtomatiko at nagsimula kamakailan lamang sa paggamit ng mga numero na may pekeng mga area code matapos na unang gumamit ng mga code mula sa mga bansa sa Hilaga at Timog Amerika, sinabi ng Tobila.
© KYODO
Join the Conversation