YOKOHAMA
Isang lalaki sa Tokyo ang inaresto sa pag kidnap ng isang 9-taong-gulang na batang babae na nakilala niya sa isang online game at idinala niya ito sa kanyang bahay sa loob ng dalawang araw, nahikayat niya ang bata na makipagkita gamit ang voice chat ng online game.
Si Akihito Otake, 38 ay naaresto noong Sabado, umamin sa akusasyong laban sa kanya nang siya ay maaresto sa lungsod ng Yokohama, timog-kanluran ng Tokyo noong Miyerkules, sinabi ng pulisya. Ang batang babae ay ligtas namat at walang anumang pinsala.
Ang dalawa ay naglalaro ng isang online game kung saan maraming mga manlalaro sa iba’t ibang mga pangkat ang nakikipagkumpitensya sa bawat isa. Ang batang babae, na naglalaro ng games sa pamamagitan ng smartphone ng isa sa kanyang mga magulang, ay pinaniniwalaang nakipag-usap kay Otake sa pamamagitan ng voice chat ng laro kung kailan at saan sila magkikita.
Sinabi ng batang babae sa ilang mga kaibigan kung kanino siya nakikipaglaro sa isang parke noong Miyerkules na makipagkita siya sa “isang kaibigan sa Tokyo.” Ngunit matapos na hindi siya makabalik umuwi sa kanyang curfew ng alas-5 ng hapon, inalerto ng kanyang ina ang pulisya.
Gamit ang lokal na security camera footage, nakilala ng pulisya ang kotse ni Otake at nasubaybayan siya sa kanyang tirahan sa Katsushika Ward ng Tokyo. Pinahinto nila siya para sa pagtatanong habang paalis siya sa kanyang bahay sakay ng kotse bandang 3 ng madaling araw ng Sabado, at natagpuan ang batang babae na nasa backseat.
Inaresto ng pulisya si Otake on the spot at isinakustodiya ang bata.
© KYODO
Join the Conversation