FUKUOKA – Kinukwestyon ng Fukuoka Prefectural Police ang isang lalaking umamin sa pagpatay sa kanyang ina sa kanilang tirahan sa Okawa City, iniulat ng Mainichi Shimbun (Setyembre 30).
Maaga nitong Miyerkules, isang lalaki, nasa edad 20, ang dumulog sa koban. “Sinaksak ko ang aking ina,” sabi ng suspek.
Dakong 3:45 ng umaga, pinuntahan ng mga opisyal mula sa Chikugo Police Station ang kanyang tirahan sa lugar ng Kanegae at kung saan kanilang natagpuan ang biktima, na may edad na 60, na nakahandusay, maraming tama ng saksak at naliligo sa sariling dugo sa ibabaw ng kama.
Ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak ay naiwang nakausli sa tiyan ng biktima. Ayon sa mga imbestigador ito ay kumpirmadong namatay sa lugar kung saan siya ay natagpuan.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima. At inamin ng salarin ang pagpaslang sa sariling ina nitong Martes.
Magkasama ang mag-ina sa tirahan. At matapos ang interogasyon plano ng kapulisan na magsampa ng kaso laban sa suspek sa salang pagpatay.
Source: Tokyo Reporter
Image: ANN News
Join the Conversation