CHIBA
Isang 67-taong-gulang na lalaki ang naaresto noong Linggo matapos na magtangkang nakawan ang isang convenience store na katapat ng isang koban (Police box) sa Choshi, Chiba Prefecture
Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap dakong 6:55 ng umaga sa isang FamilyMart convenience store, iniulat ni Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na si Yoshio Miyauchi, walang trabaho na residente ng Nakano Ward ng Tokyo, ay pumasok sa tindahan at hinawakan ang braso ng 63-taong-gulang na babaeng empleyado, at nag demand na ibigay lahat ang cash mula sa cash register.
Isang lalaki na nakasaksi sa pangyayari ang tumawid sa kalye patungo sa koban at sinumbong sa pulisya kung ano ang nangyayari. Agad nakadating ang pulis sa conbini at hinuli si Miyauchi.
© Japan Today
Join the Conversation