Inaresto ng Kyoto Prefectural Police ang 44-taong-gulang na si Masafumi Hagiwara dahil sa kasong estafa. Dahil hindi niya sinasauli ang sasakyan na kanyang rinentahan nang higit sa isang taon.
Sinabi ng pulisya na si Hagiwara, na naaresto noong Setyembre 5, ay nagrent ng kotse mula sa isang rental company sa Fushimi Ward noong Hunyo 25 ng nakaraang taon. Noong Hulyo 2, nang ibabalik na dapat ang kotse, tinawagan ni Hagiwara ang kumpanya upang ipa extend ang pag-upa, ayon sa kanya “Nasa Tokyo pa siya at nais nyang humiling ng extension”.
Gayunpaman, nabigo pa rin si Hagiwara na ibalik ang kotse, pinanatili nito at ginagamit na parang ito ay kanyang sariling sasakyan hanggang sa maabutan siya ng mga pulis noong 4 ng Agosto ng taong ito.
Tinatayang sa oras na si Hagiwara ay natagpuan ng pulisya, ang huli na bayarin sa sasakyan ay nasa umabot na sa 7.66 milyong yen – higit sa presyo ng isang bagong sasakyan.
NHK World
Join the Conversation