Lalaki, 35, nanaksak , matapos makipagtalo sa kasintahan

"Nagkaroon ng problema sa aming relasyon," ani ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Sinaksak ng isang lalaki ang isang babae sa lungsod ng Koshigaya nitong Miyerkules. (NHK)

SAITAMA – Inaresto ng Saitama Prefectural Police ang isang 35 taong gulang na lalaki dahil sa umano’y pananaksak sa isang babae sa Lungsod ng Koshigaya noong Miyerkules, ulat ng NHK (Setyembre 30).

Pasado alas 9:00 ng umaga, si Yoshihito Mizumoto, ay diumano’y sumaksak sa leeg ng isang babae ,edad 23, sa isang kalsada sa lugar ng Shinkoshigaya.

Ang biktima ay agad na isinugod sa ospital dahil sa banta ng cardiac arrest.

Ayon sa Yomiuri Shimbun (Setyembre 30), agad na inaresto si Mizumoto sa salang frustrated murder ng mga pulis na rumisponde sa crime scene , kung saan kanila ding natagpuan ang kutsiyong may bahid ng dugo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Sa interogasyon, sinabi ni Mizumoto, residente ng Lungsod ng Kisarazu , Prepektura ng Chiba, na biktima ay ang kanyang nobya. “Nagkaroon ng problema sa aming relasyon,” ani ng suspek.

Source: Tokyo Reporter

Image: NHK

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund