TOKYO (Kyodo) – Ang Japanese actress na si Sei Ashina ay natagpuang patay sa kanyang apartment sa Tokyo ng kanyang pamilya noong Lunes ng umaga, sinabi ng kanyang ahensya, kasunod sa pinaniniwalaan ng mga sources na nag-iimbestiga na malamang ito ay nag suicide.
Ang 36-taong-gulang na si Ashina, na nagsimula ang kanyang karera bilang isang fashion model, at pagkatapos as nag star sa maraming mga pelikula at serye sa TV kasama ang NHK na drama na “Yae no Sakura” (Yae’s Sakura) at police drama na “Aibo” (sidekick).
Ang taga Fukushima Prefecture ay nakakuha rin ng papel sa pelikulang “Silk,” isang adapted screenplay ng isang nobelang Italyano na may parehong pangalan, kung saan ang isang Pranses na silkworm smuggler at kanyang asawa, na ginampanan nina Michael Pitt at Keira Knightley, ay naglakbay sa Japan upang maghanap ng mga silkworm noong ika-19 na siglo.
Nag voice over din si Ashina sa bersyon ng wikang Japanese ng 2011 American TV series na “Revenge” bilang nangungunang role na Emily Thorne, at pinakahuling lumabas sa serye sa TV na “Thisus no Fune” (Ship of Theseus) at sa pelikulang “AI Ang Hokai “(AI Amok) ay inilabas noong Enero.
Nhk world
Join the Conversation