Japan Coast Guard, at maliit na bangka mula Taiwan bahagyang nagkabangga

Sinabi pa nito, na ang Taiwanese fishing boat ay iligal na nago-oparate sa lugar.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan Coast Guard, at maliit na bangka mula Taiwan bahagyang nagkabangga

Ang isang Japan Coast Guard vessel at isang Taiwanese fishing boat ay nasangkot sa isang maliit na banggaan sa teritoryal na tubig ng Japan sa labas ng Senkaku Islands sa East China Sea.

Sinabi ng Coast Guard na ang insidente ay naganap ilang sandali makalipas ang 3:00 ng hapon nuong Linggo.

Dagdag pa nito, na ang Taiwanese fishing boat ay iligal na nago-oparate sa lugar.

Sinasabi din nito na ang patrol vessel ay lumiapit sa tabi ng fishing boat habang inatasan ito ng mga opisyal na lisanin ang teritoryal na tubig ng Japan.

Tumama ang stern ng patrol vessel sa bow ng fishing boat ngunit walang malaking pinsala ang natamo ng alinman sa sasakyang pandagat at wala din naiulat na nasugatan.

Sinabi ng coast guards na ang protective buffer sa paligid ng barko ay nasira..

Ang bangka ay umalis sa teritoryal na tubig at ang patrol vessel ay bumalik sa mga regular na tungkulin.

Kinokontrol ng Japan ang Senkaku Islands. At inaangkin ito ng Tsina at Taiwan. Ang gobyerno ng Japan ay pinaninindigan ng mga isla ay isang likas na bahagi ng teritoryo ng Japan, sa mga tuntunin ng kasaysayan at batas internasyonal. Sinasabi nito na walang isyu ng soberanya na malulutas sa kanila.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
Flat
Car Match
brastel
WU
Super Nihongo
PNB
TAX refund
TAX refund