Isang taxi driver iniwan ang bangkay ng kapatid na babae sa tirahan sa loob ng 2 taon

Ang babae diumano'y huling nakitang buhay noong Pebrero 2018.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIsang taxi driver iniwan ang bangkay ng kapatid na babae sa tirahan sa loob ng 2 taon

SHIZUOKA – Inaresto ng Shizuoka Prefectural Police ang isang lalaking driver ng taxi matapos na madiskubre ang bangkay ng kanyang kapatid na babae sa kanyang tirahan sa bayan ng Nagaizumi noong nakaraang linggo, iniulat ng Shizuoka Shimbun (Setyembre 18).

Noong nakaraang linggo, dahil sa isang tip, natagpuan ng kapulisan ang bangkay na nakahimlay sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay na matatagpuan sa lugar ng Shimotogari.

Ayon sa Susono Police Station, hindi malaman ang sanhi ng pagkamatay. Ang babae diumano’y huling nakitang buhay noong Pebrero 2018.

Ang suspek ay residente ng Kanagawa Ward sa Lungsod ng Yokohama. At sa mga oras na huling nakitang buhay ang kanyang kapatid, ang suspek ay pinaniniwalaan na nakatira sa tirahan sa Nagaizumi.

Noong Setyembre 14, isang kapitbahay ang nag-report sa pulisya matapos hindi makita ang kapatid na babae sa loob ng maraming taon.

Hindi isiniwalat ng kapulisan kung ang suspek ay umamin sa krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund