TOKYO / WELLINGTON: Ang isang barkong naglulunan ng 43 tripulante at halos 6,000 na baka mula sa New Zealand na patungong Tsina ay tumaob matapos mawala ang isang makina sanhi ng maulang panahon sa East China Sea, pasasalaysay ng nagiisang tripulante na na-rescue sa mga coastguard noong Huwebes.
Ang Gulf Livestock 1 ay nagpadala ng isang distress call mula sa kanlurang Isla ng Amami,Oshima sa timog-kanluran ng Japan noong Miyerkules, habang kasalukuyang sinasalanta ang lugar ng malakas na hangin at maalong karagatan.
Sinabi ng Coast Guard ng Japan na sila ay nakapag-ligtas ng isang miyembro ng mga tripulante na si Sareno Edvarodo, isang 45-taong-gulang na punong opisyal mula sa Pilipinas, noong Miyerkules ng gabi habang hinahanap ang barko.
Ayon kay Edvarodo, nawala ng makina ang barko bago ito tinamaan ng alon at tumaob, sinabi ng tagapagsalita ng coast guard
Ang mga larawang ibinigay ng coast guard ay nagpapakita ng isang tao na may suot lifejacket
na natangay ng alon sa dagat kung saan ito ay tuluyan ng nilamon ng kadiliman.
Batay pa sa salaysay ng coast guard, kinailangan ng tatlong barko, limang eroplano at dalawang diver ang na-deploy upang ipagpatuloy ang paghahanap,
Sa mga tripulante ang 39 katao ay mula sa Pilipinas, dalawa mula sa New Zealand, at dalawa mula sa Australia, dagdag pa nito.
Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na sila ay nakikipag-ugnayan na sa Japanese Coast Guard habang hinanap nito ang mga nawawalang tripulante bago pa dumating at mabuo ang panibagong bagyo sa rehiyon.
Ang bagyong Haishen ay nanatili sa timog ng Japan at inaasahang tatama sa baybayin ng Korea sa Linggo o Lunes.
Ang Gulf Livestock 1 ay nakaalis na patungong Napier sa New Zealand noong Agosto 14 na may lulang 5,867 na baka papuntang Port of Jingtang sa Tangshan, China. Inaasahan na tatagal ng 17 araw ang paglalakbay, sinabi ng New Zealand Foreign Ministry sa Reuters.
Ang 139 metro na flagged vessel ng Panamanian ay nabuo noong 2002 at nakarehistro bilang pagma-may-ari ng Amman -based Rahmeh Compania Naviera SA, ayon sa datus ng Refinitiv Eikon. Ang manager ng barko na Hijazi & Ghosheh Co, , ay kasalukuyang hindi sumasagot ng tawag.
Ang organisasyon ng mga animal rights sa New Zealand na SAFE ay nagsabing ang trahedya ay nagpakita at nagbabanta panganib ang live animal export trade.
“Ang mga baka ay hindi dapat nasa dagat,” sabi ng manager ng mga kampanya na si Marianne Macdonald. “Ito ay isang tunay na krisis, at nais namin iparating ang aming taos pusong pakikiramay sa mga kaibigan at pamilya ng 43 na tripulanteng nawawala. Ngunit nananatili ang mga katanungan, kabilang ang pagpapatuloy sa kalakal na ito”.
Noong nakaraang taon, inilunsad ng New Zealand ang isang pagsusuri ng live export trade na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na $ 54 milyon ($ 37 milyon) noong 2019, matapos ang libu-libong mga hayop na na-export mula sa New Zealand at Australia na namatay sa pagbiyahe.
Ang Ministry for Primary Industries ng New Zealand (MPI) ay nagsabi na pansamantalang nasuspinde nito ang mga aplikasyon ng live na pag-export ng baka matapos na mawala ang Gulf Livestock 1.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation