Ang bagong pangunahing namumuno sa Japan Liberal Democratic Party ay kasalukuyang namimili ng kanyang executive line up ng partido.
Si Suga Yoshihide ay nakapili at nakapagtalaga na ng mga beteranong mambabatas mula sa five factions ng LDP na nagbigay suporta sa kanyang kampanya.
Pinananatili ni Suga ang heavy weight ng partido na si Nikai Toshihiro sa pangunahing post ng LDP bilang Secretary General.
Ang beteranong politiko na si Moriyama Hiroshi ay mananatili bilang DIET Affairs Committee Chairperson.
Ang mga maimpluwensyang pigura na ito ay ang pinakamalakas na tagasuporta ni Suga sa kanyang leadership campaign.
Itinalaga din ni Suga ang dating Communication Minister na si Sato Tsutomu bilang General Council Chairperson, ang pinakamataas na tungkulin sa partido sa paggawa ng mga desisyon.
Ang dating Minister of Education na si Shimomura Hakubun ay mananatili sa pamamahala ng partido bilang Tagapangulo ng Policy Research Council.
At si Yamaguchi Taimei ay idineklarang Election Strategy Committee Chairperson.
Halos sigurado si Suga na magtagumpay si Abe Shinzo bilang punong ministro kasunod ng botohan sa Diet nitong Miyerkules. Kung saan, ang kanyang Gabinete ay ipapahayag din sa araw na iyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation