Ang bagong Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide ay nagsimula ng kanyang unang araw sa opisina. Sinabi din niya na ang kanyang gabinete ay handa nang magsimula.
Sa kanyang panayam sa mga reporter noong Huwebes ng umaga, sinabi ni Suga, “Determinado akong magsikap para sa sambayanang Hapon at susubukan kong mabuhay ayon sa kanilang expectations.”
Sa news conference na ginanap nuong Miyerkules, inulit ni Suga na isusulong niya ang mga pagsisikap na ginawa ng administrasyon ni Abe Shinzo.
Idinagdag pa ni Suga na pagsisikapan niyang buhayin ang ekonomiya habang nilalabanan ang pagkalat ng coronavirus.
Ibinahagi din ni Suga ang kanyang pananaw at plano para sa post-coronavirus era, nabanggit din ang pangangailangan para sa karagdagang digitalization sa online world.
Ang pag-lisan mula kay Abe ay ang katapusan ng mga partido ng mga cherry blossom viewers. Si Abe ay inakusahan ng paggamit ng pera ng mga nagbabayad ng buwis upang aliwin at pasayahin ang mga nasasakupan sa taunang pagtitipon. Sinabi ni Suga na hindi siya magpapaunlak ng mga magarbong pagtitipon at nanumpa na muling aayusin ang ilang mga isyu mula sa nakaraang administrasyon.
Pumukaw ng samo sari’t reaksyon ang publiko sa pahayag ng bagong punong ministro
Sinabi ng isang lalaki na sa palagay niya ito ay magiging katulad ng matatag na administrasyon ni Abe.
Sinabi din ng isang babae na nais niya na mas maraming mga kababaihan sa gabinete.
Si Suga ay mayroon nang mga pailan-ilang pampulitika at diplomatikong events sa kanyang iskedyul.
Siya ay inaasahang magpaunlak ng isang policy speech sa isang pambihirang DIET SESSION sa mga,darating na linggo.
Ang isang G20 summit sa Saudi Arabia at ang halalan sa pagkapangulo ng Estados Unidos ay naka-iskedyul sa Nobyembre.
At ang bansa ay naghahanda ng para sa Tokyo Olympic at Paralympic Games na itinakdang magsimula sa susunod na Hulyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation