TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 53 taong gulang na lalaki na pinaghihinalaang sangkot sa sa magkasunod na nakawan ng mga driver ng taxi ngayong buwan, iniulat ng NHK (Setyembre 16).
Noong Setyembre 8, si Kazumasa Ogura, walang trabaho, ay sumakay sa isang taksi sa Lungsod ng Fuchu. Na kunsaan diumano niya tinutukan ng kutsilyo ang babaeng driver.
Matapos itali ang mga braso at binti ng babae, inilagay siya ni Ogura sa trunk ng minamanehong taxi. At kinuha ng suspek ang cash na nagkakahalaga ng 40,000 yen.
Matapos makuha ang pera ay minaneho ni Ogura ang nasabing taxi at nagikot-ikot sa loob ng 20 minutos habang nasa trunk ang babaeng driver bago ito tuluyang tumakas. Nakahingi ang biktima ng tulong gamit ang kanyang mobile phone.
” Ginawa ko iyon!”
Ayon sa kapulisan, sumuko kalaunan si Ogura. “Ginawa ko iyon,” sinabi niya sa pag-amin sa krimen.
Habang nasa interogasyon, ipinahiwatig ni Ogura ang pagkakasangkot sa isa pang insidente na kinasasangkutan ng isang pang drayber ng taxi sa Koto Ward noong Setyembre 4. Sa kasong iyon, tinutukan ng suspek ang drayber ng kutsilyo bago tinakbo ang taxi.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation