Hokkaido: Babae na nanirahang kasama ang bangkay ng ama dahil sa ‘kanyang pensiyon’

"Hindi ko maiulat ang pagkamatay ng aking ama dahil ikinabubuhay ko ang kanyang pensiyon," sinabi ni Hisako Hashimoto.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHokkaido: Babae na nanirahang kasama ang bangkay ng ama dahil sa 'kanyang pensiyon'

HOKKAIDO – Inaresto ng Hokkaido Prefectural Police ang isang 51 taong gulang na babae matapos na napatunayan na ito ay nakatira kasama ang mga labi ng kanyang ama sa Lungsod ng Tomakomai noong Linggo, ulat ng NHK (Setyembre 7).

“Hindi ko maiulat ang pagkamatay ng aking ama dahil ikinabubuhay ko ang kanyang pensiyon,” sinabi ni Hisako Hashimoto nang siya ay arestuhin dahil sa salang abandoning a corpse nitong Lunes.

Si Hashimoto, walang trabaho, ay naninirahan sa lugar na matatagpuan sa Sumiyoshicho, kasama ang kanyang ama, na may edad na 70. Noong Linggo, isang residente ang nakipag-ugnayan sa kapulisan matapos ang ama ng suspek ay “hindi napagki-kita kamakailan.”

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis ang nakadamit na katawan na nakahimlay sa koridor sa pagitan ng entrada at sala.

Ang katawan ay hindi kinakitaan ng anomang palatandaan ng pisikal na sugal. Batay sa stage of decay, ang bangkay ay may ilang araw nang patay, ayon sa mga imbestigador.

Bilang karagdagan, kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng bangkay at ang sanhi ng kamatayan nito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund