Guro ng Junior high school na inakusahan ng road rage sa lunsod ng Japan

Ayon sa Hyogo Prefectural Police, sinabi ng guro na "nagalit" siya sa babae nang businahan siya nito habang papasok na siya sa prefectural road sa isang intersection.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGuro ng Junior high school na inakusahan ng road rage sa lunsod ng Japan

KOBE – Nagpadala ang mga pulis ng Hyogo Prefectural ng mga papel sa mga tagausig sa isang 40 taong gulang na guro ng junior high school noong Setyembre 28 dahil sa agresibong pagpapatakbo ng kotse sa Prefectural City ng Himeji.

Ang lalaking guro, na nagtatrabaho sa isang munisipal na high school sa kanlurang lungsod ng Japan, ay partikular na inakusahan ng pagbusina nang maraming beses sa isang pampasaherong light passenger na minamaneho ng isang babae na may edad na 30, gumitgit ang sasakyan na minamaneho ng guro sa likuran niya at pagkatapos ay nilagpasan siya, noong gabi ng Hulyo 8 sa kabuuan ng halos 340-metro na bahagi ng isang kalsada sa lungsod. Inamin na umano ng suspek sa mga nilabag na batas.

Ayon sa Hyogo Prefectural Police, sinabi ng guro na “nagalit” siya sa babae nang businahan siya nito habang papasok na siya sa prefectural road sa isang intersection.

Nagsampa ang babae nang kaso sa Himeji Police Station, kung saan nakilala ang guro gamit ang security camera at dash cam footage, bukod sa iba pang ebidensiya.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund