Isang Japanese Domestic Flight ay nagsagawa ng unscheduled landing noong Lunes, matapos tumanggi ang isang pasahero na mag-suot ng face mask at pinagbantaan ang cabin crew.
Sinabi ng Budget Carrier ng Peach Aviation na namataan ng mga crew ang isang lalaki na wala diumanong suot na face mask bago mag-takeoff ang nasabing flight mula Kushiro sa Hokkaido, Hilagang Japan, patungong Kansai Airport sa Kanlurang Japan.
Sinabi ng mga opisyal ng airline na pinakiusapan ito ng mga cabin crew na mag-suot ng face mask, ngunit ang pasahero ay tumanggi.
Dagdag pa sa salaysay ng mga opisyal, matapos makaalis ng eroplano, isang lalaki ang nagwa- wala at sinisigawan ang mga pasaherong tumagging tumabi kalapit ng lalaking walang face mask.
Pinagbantaan rin diumano ng lalaking pasahero ang mga crew members kung saan siya ay binalaan na hahainan ng warning letter.
Nagpasiya ang kapitan na lumapag sa Niigata Airport sa baybayin ng Japan upang alisin at ibaba ang lalaki mula sa eroplano.
Ayon pa sa ng mga opisyal, ang eroplano, kasama ang 124 pang mga pasahero, ay lumapag sa Kansai Airport matapos ang mahigit 2 oras na pagkaantala ng byahe.
Hinihiling ng mga Airlines sa mga pasahero na magsuot ng face mask bilang hakbang sa pang-iwas laban sa coronavirus.
Sinabi ng Transport Ministry na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang isang domestic flight ay nag-unscheduled landing dahil sa problema na may kaugnayan sa pagsusuot ng face mask.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation