Share
TOKOROZAWA, Saitama – Ang Seibu Railway Co. sa silangang Japan ay nagsasagawa ng mga hakbang sa pag-iingat laban sa pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng paggamit ng antiviral, antibacterial spray sa mga hawakan, pintuan, at iba pang mga surfaces sa loob ng 1,288 na mga karwahe.
Gumagamit sila ng mga can spray ng agent na nagtatanggal ng impeksyon sa mga virus o bakterya, ito ay isinasagawa nila mula pa noong huling bahagi ng Agosto sa anim na yardang riles. Matatapos nilang ma sprayhan lahat by October, na may mga sticker na nakakabit sa mga kotse ng train kung saan nakumpleto na ang coating.
(Orihinal na Japanese ni Takashi Seido, Tokorozawa Local Bureau)
Join the Conversation