Share
TOKYO – Si Tatsuya Yamaguchi, isang dating miyembro ng Japanese all-male pop group na TOKIO, ay naaresto noong Setyembre 22 dahil sa pagmo-motorsiklo sa ilalim ng impluwensya ng alkohol, ayon sa kapulisan.
Inaresto ng pulisya si Yamaguchi, 48, sa salang paglabag sa Road Traffic Act sa pamamagitan ng pagmamaneho ng motorsiklo under the influence sa isang kalsada sa Nerima Ward ng Tokyo bandang 9:30 ng umaga noong Setyembre 22. Inamin na umano niya sa mga paratang.
Ang mga imbestigador mula sa Nerima Police Station ay nagsabing si Yamaguchi ay bumangga sa isang kotse sa stoplight ng intersection, at ang alcohol level ay lumampas sa ligal na limitasyon ay na-detect sa kanyang hininga.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation