Dalawang kalansay ang natagpuan sa isang tirahan sa Nishinari

Sinabi ng kapulisan na hindi kinakitaan ng anomang palatandaan ng panlabas na sugat ang mga labi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDalawang kalansay ang natagpuan sa isang tirahan sa Nishinari

OSAKA – Ang Osaka Prefectural Police ay naglunsad ng isang malawakang imbestigasyon matapos na matuklasan ang dalawang kalansay sa loob ng isang bahay sa Lungsod ng Osaka Nishinari Ward, ulat ng Mainichi Shimbun (Setyembre 6).

Ayon sa Nishinari Police Station, ang mga nakatira sa tahanan, na matatagpuan sa lugar ng Tsurumibashi ay si Kaneko Tono, 90, at ang kanyang 69 taong gulang na anak na si Katsumi.

Sinabi ng kapulisan na hindi kinakitaan ng anomang palatandaan ng panlabas na sugat ang mga labi.

Dakong 11:30 ng umaga noong Linggo, isang kamag-anak ng mga biktima ang dumalaw sa tirahan at natagpuan ang mga kalansay sa itaas ng futon. Matapos ay dumulog ang kamag-anak sa kalapit na koban police box.

Kasalukuyang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund