Covid-19 vaccine scheme maaaring maka-cover ng halos 200 daang bansa

Ang Gavi, isang samahang tumutulong sa pagbabakuna sa mga tao sa mga umuunlad na bansa, ay nagsabi na 156 na mga bansa at teritoryo ang sumali sa isang scheme upang itaguyod ang fair o patad na pamamahagi ng COVID-19 vaccine. 38 na bansa pa ang inaasahang lalahok. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspCovid-19 vaccine scheme maaaring maka-cover ng halos 200 daang bansa

Ang Gavi, isang samahang tumutulong sa pagbabakuna sa mga tao sa mga umuunlad na bansa, ay nagsabi na 156 na mga bansa at teritoryo ang sumali sa isang scheme upang itaguyod ang fair o patad na pamamahagi ng COVID-19 vaccine. 38 na bansa pa ang inaasahang lalahok.

Ang Gavi, ang World Health Organization at iba pang mga entity ay magkasamang inilunsad ang scheme noong Hunyo. Ang window sa mag-apply ay magsasara sa Biyernes.

Sa isang news conference noong Lunes, sinabi ng CEO ng Gavi na si Seth Berkley na 64 na mayayamang bansa ang lumahok, kabilang ang Japan. Nagbibigay sila ng kanilang sariling pondo para sa scheme. Ang Estados Unidos at China ay hindi sumali.

Sinabi ni Berkley na ang 38 na bansa na inaasahang lalahok ay kasalukuyang naghihintay ng pag-apruba sa kani-kanilang parliyamento.

Sinabi ng WHO na ang mga bansa at samahang charity ay nangako ng halos 1.4 bilyong dolyar patungo sa pagpapaunlad ng bakuna. Ngunit sinasabi nito na kailangan 0a ng karagdagang 800 milyong dolyar.

@NHKWorld

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund