Ang mga opisyal ng Japanese Customs ang naka-intercept sa higit sa 15,000 na pekeng produkto na papasok sa bansa sa unang bahagi ng taong ito.
Ito ang pinakamalaking paghakot ng mga pirated na produkto sa loob ng tatlong taon.
Sinabi ng Finance Ministry na ang pag-angkat ng pekeng mga kalakal ay naihinto at may 15,344 na kaso sa pagitan ng Enero at Hunyo. Na hanggang 18.7 porsyento bawat taon.
86 porsyento ng mga pekeng produkto ay nag-mula sa Tsina.
Ayon sa kategorya, ang counterfeit na mga damit ay umabot ng 4,663 na kaso. Sinundan ang mga pitaka at purses sa 4,626, at mga relo sa 2,342.
Mayroon ding mga pekeng Japanese-made face mask at mga pekeng medalya para sa Tokyo Olympics.
Inilalarawan ng ministry ang bahagyang pagtaas ng mga mamimili online habang sila ay nanatili sa bahay sa gitna ng pandemiya ng coronavirus.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation