Ang isang plastic container na tila mula sa Prepektura ng Iwate sa hilagang-silangan ng Japan, kung saan isang malakas na lindol at tsunami ang tumama noong 2011, ang inanod sa pampang ng isang liblib na isla ng Japan.
Ang lalagyan ay may sukat na 1.5 metro pahaba, 1.1 metro ang lapad at 70 sentimetro ang lalim at natagpuan sa baybayin ng Ishigaki Island sa southern prefecture ng Okinawa.
Bahagyang nasira ito at may nakadikit na coral dito, at nababasa pa rin ang nakasulat dito. Ang mga character na nakalimbag sa lalagyan ay tumutukoy sa Miyako Fishery Association at ang fiscal year na 2005.
Kinumpirma ng Miyako Fishery Association na ang mga lalagyan na ginamit ng lokal na industriya ng pangingisda sa oras ng kalamidad noong 2011 ay pawang tinangay ng tsunami. Ang lalagyan na inanod sa pampang ng Isla ng Ishigaki ay pinaniniwalaang isa sa mga ito.
Si Nomura Yasuhiro, na nagpapatakbo ng isang restawran malapit sa kung saan natagpuan ang lalagyan, ay nagsabing nakakagulat na ang container ay inagos sa pampang sa isang magandang beach, siyam at kalahating taon na ang lumipas ay medyo nakakalungkot din.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation